^

PSN Palaro

3rd win target ng Viva

-
Ibig ni Ranidel de Ocampo na sundan ang yapak ng kanyang kapatid na si Yancy at makilala bilang kauna-unahang MVP ng bagong era ng PBL: 20 And Beyond na siyang magiging malaking achievement sa kanyang amateur career.

Ngunit ang daan tungo sa kanyang pangarap ay nasa kapalaran ng John-O sa kasalukuyang ginaganap na semifinals ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup.

At dahil nasa kanyang isipan na matupad ang pangarap na ito, sisiguraduhin ni De Ocampo na balikatin ang John-O sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban ngayon sa Montana sa alas-2 ng hapon upang maiangat ang kanilang kasalukuyang 0-2 win-loss slate.

Sa kabilang dako, target naman ng Hapee Toothpaste na maiposte ang kanilang ikatlong panalo sa semis sa pakikipagtunggali naman sa Viva Mineral Water sa alas-4 ng hapon.

Nalampasan ng John-O ang kanilang ikalawang dikit na talo kontra sa Hapee Toothpaste, 62-69 noong Martes ng gabi, ngunit hindi pa huli ang lahat para sa Senators.

Tanging ang paraan para makapasok ang John-O sa best-of-five championship round ay ang maipanalo ang nalalabing tatlong laro, pero ang tsansang ito ay napakabigat dahil isang koponan lamang ang maaaring tumapos ng 4-1 record sa pagtatapos ng semifinal phase at sa pagkakataong ito, makakakuha lamang ang John-O ng playoff para sa huling championship berth.

At ito ang nais na ibangon ni De Ocampo kung saan sa huling dala-wang laro ay nagpakita na ito ng impresibong performance.

vuukle comment

DE OCAMPO

HAPEE TOOTHPASTE

IBIG

JOHN-O

NALAMPASAN

NGUNIT

OCAMPO

RANIDEL

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with