^

PSN Palaro

Montana pinigil ng Viva

-
Hindi umubra ang endgame magic ni Gary David sa pagkakataong ito nang mamintina ng Viva Mineral Water ang kanilang composure sa huling apat na minuto ng labanan upang pigilan ang Montana Jewels sa kanilang four-game winning streak, 82-74 kahapon para makisalo sa liderato sa semifinals ng PBL-Sunkist 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Kumana si Dennis Miranda ng 10 sa kanyang 14-puntos sa final quarter upang manatiling nasa ibabaw ang Water Force sa 80-70, 29.5 segundo na lamang ang oras sa laro para masiguro ang kanilang tagumpay.

Tabla na ngayon ang Montana at Viva sa 2-1 panalo-talo.

Mahusay na depensa ang isinagawa nina Sunny Margate at Rhagnee Sinco para pigilan si David na tumapos ng 24-puntos, pitong rebounds at isang block ngunit nalimitahan sa apat na puntos lamang sa final quarter.

Nanatiling nakadikit ang Montana sa 68-70 mula sa basket ni Jon Dan Salvador sa huling 4:13 minuto ng labanan ngunit ang dalawang krusyal na miscues ni David ang nagbigay daan sa split ni Jeff Napa at triple ni Miranda na naglayo sa Viva sa 74-68, 3:20 na lamang.

Imbes na makabawi, tuluy-tuloy pa rin ang kamalasan ng Jewelers na sunud-sunod ang naging turn-over at ito ay sinamantala ng Viva upang iposte ang 80-70 kalamangan.

Ang tanging naging produksiyon ng Montana ay apat na puntos mula kina Salvador at Basco para makalapit sa 74-80, 10.1 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Samantala, confidential, fool-proof, undisputable. Ito ang magiging batayan ng Philippine Basketball League na magsisimula ng kanilang drug-testing program sa lahat ng kanilang players, coaches at officials at nangakong mabigat na parusa ang kanilang ipapataw at tutulong sa rehabilitasyon ng mga magkakasala, ngunit hindi malalaman ng publiko.

Ang drug testing ay isasagawa ng Asia Pacific Medical Diagnostic Services, Inc. sa P600 bawat tao.

"I don’t want to step on the toes of other people but we will do this while protecting the interest and integrity of the players. We won’t even try to threaten their careers," ani PBL commissioner Chino Trinidad sa PSA Forum sa Manila Pavillion kahapon.

vuukle comment

ASIA PACIFIC MEDICAL DIAGNOSTIC SERVICES

CHINO TRINIDAD

DENNIS MIRANDA

GARY DAVID

JEFF NAPA

JON DAN SALVADOR

MANILA PAVILLION

MONTANA JEWELS

PASIG SPORTS CENTER

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with