^

PSN Palaro

P.5-M nakataya sa Manila Marathon

-
Mahigit sa P.5 milyon ang nakatayang premyo kung saan ang men’s 42K champion ay magbubulsa ng P75,000 at ang women’s titlist naman sa nasabi ring distansiya ay kikita ng P50,000 sa inagurasyon ng Manila Marathon, ang siyang pinakamalaking karera sa Pilipinas na tatakbo sa Hunyo 22 sa mga kalsada ng Manila.

Ayon kay Ali Atienza, chairman ng organizing Manila Sports Council (MASCO) at project director ng Manila Marathon, mayroon ring mga tropeo, medalya at finishers certificates ang ipamimigay sa mga kalahok na inaasahang aabot sa mahigit 10,000.

Idinagdag pa ni Atienza na walang registration fees na sisingilin sa Manila Marathon.

"This is our way of opening the race to everyone not only to emphasize on its competitive or sports aspect but to everyone as many enthusiasts so they would adopt running as part of their physical fitness regimen," ani Atienza.

Bagamat walang bayad na kukulektahin, ang mga interesadong kalahok ay kailangang mag-fillup ng kanilang registration form na makukuha sa MASCO offices sa Manila City Hall at San Andres Sports Complex sa Malate, Manila sa pamamagitan ni Ting Daulos at ng Philippine Amateur Track and Field Association office kay secretary general Ben Silva Netto sa Rizal Memorial Sports Complex. Para sa mga katanungan ay tumawag lamang sa 5270983, 5261914 o 5277804 o telefax 5261916.

ALI ATIENZA

ATIENZA

BEN SILVA NETTO

MANILA

MANILA CITY HALL

MANILA MARATHON

MANILA SPORTS COUNCIL

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SAN ANDRES SPORTS COMPLEX

TING DAULOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with