2nd win nakuha ng Montana

Inilista ng Montana Jewels ang kanilang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin nila ang John-O, 70-65 sa semifinals ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa San Juan gym.

Nagtulong sina Gary David at Topex Robinson na mag-deliber ng krusiyal na puntos na naging susi ng ikalawang sunod na tagumpay ng Jewelers.

Nalasap naman ng John-O ang kanilang ikalawang sunod na kabi-guan.

Samantala, humataw sa endgame ang Hapee Toothpaste upang igupo ang Viva Mineral Water, 63-49.

Pinagbidahan ni Allan Salangsang ang 16-3 salvo na pinakawalan ng Teeth Sparklers kabilang ang 12-9 run kung saan umiskor ito ng pitong sunod na puntos para iselyo ang tagumpay.

Dahil dito, tabla na sa 1-1 record ang Teeth Sparklers at ang Viva na nabigong maduplika ang 60-58 paggulantang sa John-O.

Show comments