Ang Asian Games silver medalist na tubong-Zamboanga City ay na-mayani sa pamamagitan ng RSC-O (Referee-Stopped-Contest-Outclassed) kontra sa Latvian na si S. Vladislav upang makausad sa 48 kg. final kontra sa Bulgarian na si Salim Salinov.
Nabigo naman sina Warlito Parrenas at Jenebert Basadre na maka-usad sa finals at nakun-tento na lamang sa bronze.
Yumuko si Parrenas sa Mexican boxer na si Raul Hilares, 24-14 sa 51 kg. class habang bumigay si Basadre kay B. Dougnoko ng France, 15-9 sa 57 kg. division.
Sinamantala ni Tanamor ang mahinang depensa ng Latvian at nagpakawala ng matulis na right cross sa mukha para sa standing eight count sa kalagitnaan ng first round.
Ipinagpatuloy ng 55 na si Tanamor ang pagkunekta niya ng jabs sa second round na nagpuwersa sa referee na itigil ang laban makaraan ang lopsided na suntukan.
Bahagyang naginhawaan si RP Revicon coach Pat Gaspi sa panalo ni Tanamor dahil nag-alala ito nang lumasap ng sugat sa upper right eye brow ang kanyang bata na nakuha sa laban niya sa final ng 7th Socikas Cup sa Lithuania noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez kay Gaspi at assistant coach Alex Arroyo na siguruhin ang magiging laban ni Tana-mor.
Binigyan din ng instruction ni Lopez si Arroyo na maghanap ng kanin dahil hindi pa nakakatikim ng kanin sina Tanamor at ang ibang boksingero sa nakalipas na dalawang linggo.
Ang torneo ay humatak ng teams mula sa 11 bansa ay pahinga ngayon at magbabalik ang finals kinabukasan sa Polideportivo el Paragua.
Sa kabuuan pinakamatagumpay sa kampanya ang Bulgaria kung saan pitong fighters nila ang aakyat sa semis kasunod na ang France na may 4 at ikatlo ang Korea na may tato.