Dahil dito, magiging do-or-die ang kanilang laban kontra sa Ginebra sa Linggo para sa huling slot sa Group B patungong quarterfinals.
Lalo pang gumanda ang record ng Thunder na sigurado na sa quarte-finals at sa Asian Invitationals, matapos itala ang kanilang ika-14-panalo sa 17-laro.
Bumagsak naman ang Shell sa 5-12 record katabla ang Ginebra na kanilang kaagaw para sa huling quarterfinal slot.
Ang mananalo sa pagitan ng Turbo Chargers at Gin Kings, ang ma-kakasama ng Red Bull, Talk N Text at defending champion Coca-Cola sa susunod na round.
Mula sa 104-103 bentahe ng Turbo Chargers, isang triple ni Willie Miller ang naglagay sa Thunder sa 106-104 kalamangan, 45 segundo na lamang ang oras sa laro at buhat ditoy di hinayaan ng Red Bull na makaiskor ang kalaban upang maipreserba ang tagumpay.
Sa pangunguna ni Mike Hrabak na kumayod ng 14 puntos katulong si Tony dela Cruz na may 8-puntos sa ikalawang quarter, umabante ang Shell sa 59-51 matapos ang first half.