4th win target ng Phil. Star vs Red Bull Barako
May 17, 2003 | 12:00am
Puntirya ng host Philippine Star na masungkit ang ikaapat na panalo at magpakatatag sa liderato sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Coke Light Invitational Basketball Championship sa Meralco gym.
Nakatakdang harapin ng Starmen ang Red Bull Barako sa ganap na alas-11:00 ng umaga.
Sa unang laro, hangad ng star-studded PLDT na makabangon sa kanilang nakapanghihinayang na kabiguan laban sa Phil. Star noong nakaraang Sabado, at masungkit ang ikatlong panalo para manatiling nakadikit sa Starmen sa team standings.
Makakaharap ng Phone Pals ang wala pang panalong Sunkist sa ganap na alas-8 ng umaga na agad susundan naman ng bakbakan ng defending champion RCBC Savings Bank kontra naman sa CAR Inc.
Hindi dapat magkumpiyansa ang mga bataan ni Star coach Noli Hernandez sa kanilang magiging laban kontra sa Barako na pamumunuan nina Erwin Velez, Red Bull trainer Kirk Collier, Jojo Villapando at Francis Raushmayer.
Gayunpaman, tiyak na matinding depensa ang igagawad nina Jon-jon de Guzman, Roy Canlas, Alfred Bartolome upang mabigyan daan ang opensang ibibigay nina Ver Roque, Cris Dela Cruz, Rene Recto at Ting Hojilla.
Sa kabilang banda naman, inaasahang maglalaro ang isaman sa import ng Sunkist na si Bobby Parks o Norman Black upang suportahang maibangon ang Juicers at makatikim na panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am