^

PSN Palaro

Huling tiket sa semis pag-aagawan ng Viva Mineral Water at Blu Star

-
Mahigpit na ang pagkikita ng Viva Mineral Water at Blu Star ngayong alas-3 ng hapon para sa huling upuan ng semis sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Ang isang panalo ang tanging kailangan ng twice-to-beat Water Force upang makopo ang huling tiket sa semis at makasama ang Hapee Toothpaste, John -O at Montana sa susunod na round.

Para naman sa Detergent Kings, kailangang dalawang beses nilang talunin ang Viva para makapasok sa semis.

"We offer last night’s win to the glory of God," ani Viva coach Koy Banal. "If god really wants us to be in the semifinals, we also have to work harder to prove ourselves worthy of His blessings."

Habang patuloy ang impresibong debut ng Viva, umaasam naman ang Blu Star ng kanilang ikawalong semifinals stint sa liga sapul nang lumahok ito noong second conference o ang 2nd Yakult-PBL Centennial Cup noong 1998.

Ang playoff sa pagitan ng Viva Mineral Water at Blu Star ay isasaere ng live ngayon sa Solar Sports Channel 29 sa ganap na alas-3 ng hapon.

At kapag nakahatak ng semis, umaasam naman ang Detergent Kings sa kanilang ikalawang kampeonato sapul nang mag-runner-up sila sa Ateneo sa 2002 PBL Champion’s Cup.

At manaig kaya ang karanasan ng Blu Star kontra sa mas batang koponan ng Viva?

Ang kasagutan ay malalaman pagkatapos ng kanilang laban.

vuukle comment

BLU STAR

CENTENNIAL CUP

DETERGENT KINGS

HAPEE TOOTHPASTE

KOY BANAL

PASIG SPORTS CENTER

SOLAR SPORTS CHANNEL

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with