Archers, Knights kumana ng panalo

Kumana ang La Salle Green Archers at Letran Knights ng tigatlong sunod na panalo noong Miyerkules upang manguna sa kani-kanilang grupo sa 9th Fr. Martin Cup basketball invitational tournament sa FEU gym.

Ipinakita ng tropa ni coach Franz Pumaren na handa na sila para sa panibagong pakikipaglaban para sa titulo kontra sa mahigpit nilang karibal na Ateneo ngayong taon nang kanilang pabagsakin ang San Sebastian College-Cavite, 83-71 habang tinalo naman ng Knights ang NCAA rival nilang San Beda A, 83-69.

Tinalo rin ng Archers ang UNP, 112-53 at ang Mapua, 51-74 upang hawakan ang pangunguna sa Group B, habang ginapi naman ng Knights ang EAC Manila, 85-64 at ang Adamson, 72-66 para banderahan ang Group A.

Hiniya ng Blue Eagles ang St. Benilde, 89-73 nitong Miyerkules upang iposte ang kanilang ikaapat na panalo sa Group A.

Show comments