De Ocampo tumatag sa PBL MVP race
May 13, 2003 | 12:00am
Mas lalong lumakas ang tsansa ng John-O slotman na si Ranidel de Ocampo para sa unang MVP ng PBL: 20 Years and Beyond nang patuloy itong manguna sa statistics makaraan ang classification phase ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup.
Umaasa ang 65 na si de Ocampo na masundan ang yapak ng kanyang nakatatandang kapatid na si Yancy na ngayon ay naglalaro na sa PBA nang kumulekta ito ng 332 SPs, 227 mula sa statistics at 105 points naman sa mga naipanalong laban.
Isa sa malaking factor sa likod ng John-O ay ang kanilang pagkopo ng awtomatikong semis slot kung saan nasa ikaanim si Ranidel sa scoring sa kanyang 13 puntos at 80 percent mula sa free throw, pangpito sa rebounds na may 7.3 at average na 2.8 assists at block kada laro.
Apat na bagitong manlalaro naman ang sorpresang dahan-dahang bumubuntot sa kanya itoy sina Nelbert Omolon, ang 63 forward ng Nutri-licious na nasa ikalawang puwesto na may 320 SPs.
Hawak ang conference record high na 36 puntos sa single game, nakopo rin ni Omolon ang highest statistical points sa kanyang 260, pero nakakuha lamang siya ng 60 points mula sa won games.
Ang dating ka-teammate na si Irwin Sotto na nasa ikalima, ngayon ay nasa ikatlo na sanhi ng kanyang 314 SPs matapos na makakuha ng 254 sa statistics at 60 points bonus sa mga naipanalong laro. pangalawa rin ang 65 stalwart ng Nutri-licious sa rebounds na may 10.7 ikaapat sa scoring na may 14.3 at ikatlo sa shot blocks na may 1.5.
Ang isa sa pinakamalaking sorpresa ay si Gary David ng Montana na kailan man ay hindi naisama sa top 10, ngunit dahil sa ipinamalas na impresibong performance inokupahan nito ang ikaapat na pu-westo.
Hawak naman ng Welcoat board banger na si Jean Marc Pingris ang ikalimang puwesto sa kanyang naipong 292 SPs, 217 sa statistics at 75 points sa won games.
Ang iba pang kukumpleto sa top 10 ay sina Nutri-licious three-point specialist Chico Lanete (253 SPs) at Allan Salangsang (252 SPs).
Samantala, kapwa ibibigay ng ICTSI at LBC-Batangas ang kani-kanilang lakas para sa huling semifinal berth sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laban ngayon sa stepladder phase ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Makakaharap ng ICTSI ang Nutri-licious sa alas-2 ng hapon, habang sasagupain naman ng LBC-Batangas ang Welcoat Paints sa alas-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am