^

PSN Palaro

Querimit kumapit na nang mahigpit

-
BAGUIO City--Isinuko na ni Merculio Ramos ang overall title kay Arnel Querimit pero para kay Rhyan Tanguilig, hindi pa tapos ang laban.

Hindi natinag sa overall individual leadership ang skipper ng Tanduay na si Querimit matapos ang 36-kilometrong Rosario-to-Baguio Individual Time Trial stage 13 kahapon na pinagunahan ng bagitong si Ronald Gorrantes ng EcoSavers.

"Wala na, kay Querimit na ‘yan," wika ng kapwa RP team member ni Querimit na si Ramos na no. 3 overall at may limang minuto at pitong segundong distansiya sa 47-oras, 13-minuto at 13-segundo ng overall leader.

"Wala na sigurong mababago sa overall dahil dalawang laps na lang ang natitira," dagdag pa ng Samsung team captain na pitong araw ding nagsuot ng yellow jersey.

Taliwas naman ito sa pananaw ng pumapangalawang si Tanguilig, ang panlaban ng Pagcor, na may isang minuto at 39 segundo lamang na distansiya kay Querimit.

"Hindi pa tapos ang laban," wika ng 24-gulang na si Tanguilig na bagamat naunang natapos kay Querimit kahapon ay may tatlong segundo lamang ang kanyang inilamang.

"Di pa natin masasabi kung sa kanya na dahil mayroon pang pagkakataon sa huling dalawang stage," dagdag pa nito.

Sa likod ng nararamdamang ubo at sipon bunga ng malamig na klima sa lungsod na ito, panglimang siklistang tumawid sa finish line si Querimit.

"Laspag na ako," anaman ni Querimit. "Pero hindi naman basta-basta makukuha ito (overall) dahil hindi naman ako magpapabaya at tutulungan ako ng mga ka-teammates ko."

Itinodo naman ni Gorrantes ang kanyang lakas para tapusin ang karera sa isang oras, 18 minuto at 15 segundo at maisubi ang P30,000 para sa ITT Challenge winner habang sumegunda naman sina Lloyd Reynante ng Pagcor at pangatlo si Joel Calderon ng VAT Riders.

Tinanghal na Tour ‘King of the Mountain’ si Placido Valdez. Ibinulsa nito ang halagang P30,000 pa-premyo.

Bababa ang 82 siklista patungong Malolos, Bulacan na humigit kumulang 200-kilometro para sa stage 14 at magtatapos ang Tour bukas sa Luneta circuit stage 15. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ARNEL QUERIMIT

BAGUIO INDIVIDUAL TIME TRIAL

CARMELA V

JOEL CALDERON

KING OF THE MOUNTAIN

LLOYD REYNANTE

MERCULIO RAMOS

PAGCOR

QUERIMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with