Si Puentevella ay siya rin mismong chairman ng House Committee on Youth and Sports ay nagbigay rin ng kanyang buong suporta makaraang makipagpulong sa mga team officials noong Martes ng gabi (May 6) sa pangunguna ni team manager Butch Disini, head coach Lawrence Chongson at Air Philippines consultant Charlie Yu.
Sa parte naman ni Disini, nangako ang kanyang koponan na mag-bibigay ng kanilang sa suporta sa Bacolod City.
Ayon naman kay coach Chongson, ang kanyang mga manlalaro ay kasalukuyang nage-ensayo ng husto kung saan ang halos lahat ng bumubuo ng kanyang koponan ay pawang mga beterano na naglaro sa nasibak na MBA.
Kakampanya sa Bacolod sina ex-pros Carlo Espiritu, Junel Mendiola, Francis Aquino, Bernard de Guia, Rene Alforque, Paul Du, Ferdinand Go at Joshua Lambert kasama ang mga stars na sina Mike Bravo, Ricky Ricafuente, Alvin Pua, Celso Pile at Rommel Pingol sa pagdadala ng bandila ng City of Smiles.