^

PSN Palaro

Ano na ang nangyari kay Carlo Guieb?

- Dina Marie Villena -
Isang linggo na lang at matatapos na ang Tour Pilipinas 2003.

Sa ngayon ay nasa San Fernando, La Union na sila at kasalukuyang hawak pa rin ni Merculio Ramos, na miyembro ng National team, ang overall leadership.

Mula sa Stage 4 hanggang Stage 9 kahapon ay suot pa rin ni Ramos ang yellow jersey na sagisag ng overall leadership na kanyang hinubad sa co-National team member niyang si Arnel Querimit.

Pero hindi pa nanalo ng kahit isang lap si Ramos.

Ilang araw na lang aakyat na sila sa Baguio na siyang madalas na pagbasehan ng isang magiging kampeon.

Mapanatili kaya ni Ramos ang kanyang katatagan?

Puwes hintayin na lamang natin.

Sa Mayo 11 ang balik sa Maynila ng karera kung saan sa Quirino Grandstand sa Luneta Park ang finish line.
* * *
Sa mga beterano ng tour, tatlong pangalan lamang ang nasa top ten. Ito ay sina Renato Dolosa, Bernard Luzon at Placido Valdez.

Bagamat nakapasok sa Top 15 si Stage 8 winner Felix Celeste, mas binabantayan sa listahan ang pangalan ni Carlo Guieb.

Noong nakaraang taon sa Tour of Calabarzon, sinabi ni Carlo na matagal siyang natigil sa pagbibisikleta at walang practice kaya hindi ito sumali sa karera, bagamat sumama pa rin siya para mag-obserba.

At sinabi niyang paghahandaan niya ang Tour na ito dahil hindi bitin na katulad ng sa Calabarzon.

Pero bakit tila hindi pa ito humahataw. Bakit nga ba Beth Repizo?
* * *
Maraming fans ng Barangay Ginebra ang galit na galit kay coach Allan Caidic. Siyempre, kung tutuusin nga naman nasa Gin Kings ang pinakamalakas na lineup pero nasa balag ng alanganin pa na umusad sa susunod na round.

Puna ng marami, mahina si Caidic sa endgame dahil kadalasan kung malaki ang lamang ng Ginebra sa tatlong quarters ay nakakain ng kalaban at natatalo pa.

Sayang nga naman!

ALLAN CAIDIC

ARNEL QUERIMIT

BARANGAY GINEBRA

BERNARD LUZON

BETH REPIZO

CARLO GUIEB

FELIX CELESTE

GIN KINGS

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with