Sobrevega silat kay Hollanes
May 6, 2003 | 12:00am
Tinalo ng walang ranggong si Vince Holllanes ang No. 3 na si Paul Christian Sobrevega, 6-4, 5-7, 6-3 kahapon upang makarating sa semifinals ng boys 18-under ng 2003 Head-Penn Tennis Tour sa Nazareth Tennis Club sa Cagayan de Oro City.
Makakaharap ni Hollanes ang top seed na si Carlo Estrella na nanalo kay Christopher Murfet, 6-2, 6-1. Ang iba pang nanalo ay sina No. 2 Charles Sagrado kontra Jeffrey Bacayo, 6-2, 6-0 at No. 4 Jason Salvo kontra Neil Fernandez, 6-4, 6-4.
Sa boys 16-under division, naungusan ng No. 4 na si John Anthony Sobrevega si Joey Salvo, 6-1, 3-6, 6-3 upang umusad sa semifinals kontra No. 2 Nic Fernandez na umiskor ng 7-6 (4), 6-4 panalo kontra Rophie Santos.
Ang iba pang umusad ay sina No. 1 Juv Alban at John Edmund Soques.
Sa girls 14-under class, ginapi ni Nikki De Dios ang No., 2 na si Irene Sertito, 6-4, 2-6, 6-2 upang umusad sa semis kontra Honey Mae Gilles na nagtala ng 6-2, 6-1 panalo kontra Massey Batuampar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest