Kinatigan ni Com. Eala ang panukala ni Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports na sa halip na random test ay magpatupad ito ng mandatory drug testing sa lahat ng PBA players bilang bahagi ng kanilang anti-drug campaign program sa nasabing liga na hindi alam ng mga cagers kung kailan isasagawa o unannounced test.
Sinabi pa ni Eala, ang lahat ng matutuklasang positibo sa paggamit ng bawal na gamot tulad nina Jimwel Torion ng Red Bull at Alex Vincent Crisano ng Ginebra sa isinagawang random drug testing ay sasailalim sa 6-buwang rehabilitation program.
Naunang natuklsang positibo sa paggamit ng bawal na droga sina Paul Asi Taulava ng Talk N Text at Dorian Peña ng San Miguel sa mandatory drug test ng Games and Amusement Board (GAB). (Ulat ni Rudy Andal)