^

PSN Palaro

Domingo bumirit sa Olongapo stage

-
OLONGAPO City - Ilang beses nang nagtangka si Enrique Domingo ng Postmen na makakuha ng stage win at sa wakas napagbigyan din ito sa Stage 7 na nagtapos sa kanyang balwarte sa pagpapatuloy ng Tour Pilipinas na hatid ng Air21.

"Nung una pa lang, lagi na akong nasa breakaway kasi gusto ko tala-gang makakuha ng lap," pahayag ng 32 gulang na si Domingo na tumapos ng 201 kilometrong Marikina to Olongapo stage sa tiyempong apat na oras, 48-minuto at 30-segundo.

Sa may SM Fairview pa lamang ay umarangkada na si Domingo, ang 1997-98 Sprint King kasama ang runner-up na si Bernard Luzon ng Patrol 117 at nakaungos sa huling 10 kilometro ng karera paakyat sa Dinalupihan para sa P10,000 stage win.

Dumistansiya ng halos dalawang minuto sina Domingo, ang Pangasi-nenseng naging miyembro ng national team noong 1996, at si Luzon ngunit dahil na rin sa kapaguran ay nakalapit ng hanggang 300-metro ang chase pack na pinangunahan ni Arnel Queirimit ng Tanduay na siyang lap winner kahapon.

"Sabi ko kay Bernard (Luzon), tiyagain na naming dahil hindi naman na kami aabutin. Sayang din naman kasi ang pinaghirapan namin," ani Domingo, dating STAR carrier bago ito napabilang sa RP Team. "Malaki ang naitulong sa akin ng STAR lalo na si Boss Miguel Belmonte nung wala pa ako sa national team."

Ang panalong ito ni Enrique Domingo ang nag-akyat sa kanya sa ikalimang puwesto ng overall individual standing mula sa ikapitong puwesto, may lima’t kalahating minuto ang layo kay Merculio Ramos ng Samsung na nanatiling overall leader kahit nauna ng halos isa’t kalahating minuto si Querimit na nakatapos ng karera.

Ang dating mahigit apat na minutong distansiya ni Querimit, nanalo na ng tatlong stage, ay naging 2:41 na lamang matapos itong umakyat sa second place mula sa ikaapat na puwesto kung saan katabla nito si Placido Valdez ng Drug Busters.

"Nag-sacrifice na ako kaya dinala ko ‘yung grupo para hindi masyadong bumaba," ani Querimit na nagtala ng back-to-back stage win sa kontrobersiyal na Tagaytay-to-Marikina stage ngunit hindi isinama ang clockings dahil sa pagre-restart ng karera nang magkahiwa-hiwalay ang mga siklista.

Umahon din si Luzon sa ikaapat na puwesto mula fifth place habang bumagsak naman sa ikapitong puwesto si Warren Davadilla ng Intel na dating nasa third place sa likod ni Rhyan Tanguilig ng Pagcor Sports na dating nasa no. 8.

Nangunguna rin si Domingo sa karera ng Sprint King kung saan mayroon na itong 18 puntos. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARNEL QUEIRIMIT

BERNARD LUZON

BOSS MIGUEL BELMONTE

CARMELA OCHOA

DOMINGO

ENRIQUE DOMINGO

LUZON

QUERIMIT

SPRINT KING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with