PBA player habulin ng babae
May 2, 2003 | 12:00am
Kahit na may asawat anak na ang PBA player na ito, habulin pa rin siya ng mga chicks.
Hirap na hirap na siya sa pag-iwas sa mga babaeng humahabol sa kanya, lalo na sa mga nagpapakita ng motibo sa kanya.
Hindi naman siya kaguwapuhan pero malakas ang kanyang sex appeal at sikat na siya ngayon sa PBA kahit na rookie pa lang siya.
Sexy ang dating niya sa mata ng mga babae, lalo na para sa mga laging nanonood ng PBA games nang live sa coliseum. Talagang inaabangan siya pagkatapos ng game.
Pero si player ay lubusang napakabait.
Marunong siyang umiwas. Marunong siyang tumakas.
Good boy siya kaya siguro ganyan kabait sa kanya ang kapalaran.
Nanalo ang Spring Cooking Oil team sa exhibition game nila against the Indonesian basketball team, noong Abril 30 sa Jakarta.
Punum-puno ang coliseum sa Jakarta at maraming Pinoy ang dumating para mag-cheer sa kanilang kapwa Pinoy players na pinangunahan ni Bobby Parks.
Nakasama rin sa team sina Ogie Gumatay, Leo Vilar, Arnie Canoza at Noel David.
Ang mag-asawang coach Nat at Tess Canson ang siyang nag-imbita sa kanila sa pamamagitan ni Ary Susardono na siyang head ng Indonesian Basketball League.
Tuwang-tuwa ang mga Pinoy doon na makakita ng mga Pinoy na players tulad nina Bernard Tanpua, Jay Lapinid, Loreto Soriano, Tyrone Bautista, Mario Reyes, Rodel Manuel, Judge Primero, Rolly Menor at Erwin Luna na halos lahat eh nagkaroon na ng experience sa MBA, PBA at PBL.
Nakabalik na rin sila kahapon at sa awa ng Diyos, wala namang nagka-SARS sa kanila.
Suportado ng isang mayamang babae ang isang papasikat na college at PBL player.
Hindi naman kaguwapuhan ang player pero maraming bading na naghahabol sa kanya.
Pero dinedma niya ang lahat ng mga bading na gustong mag-sponsor sa kanya dahil may girlfriend siyang mayaman.
Tumulad na rin siya sa isang PBA rookie na dating paborito ng mga bading pero ngayon ay nag-stick na sa kanyang girlfriend na madatung.
Hirap na hirap na siya sa pag-iwas sa mga babaeng humahabol sa kanya, lalo na sa mga nagpapakita ng motibo sa kanya.
Hindi naman siya kaguwapuhan pero malakas ang kanyang sex appeal at sikat na siya ngayon sa PBA kahit na rookie pa lang siya.
Sexy ang dating niya sa mata ng mga babae, lalo na para sa mga laging nanonood ng PBA games nang live sa coliseum. Talagang inaabangan siya pagkatapos ng game.
Pero si player ay lubusang napakabait.
Marunong siyang umiwas. Marunong siyang tumakas.
Good boy siya kaya siguro ganyan kabait sa kanya ang kapalaran.
Punum-puno ang coliseum sa Jakarta at maraming Pinoy ang dumating para mag-cheer sa kanilang kapwa Pinoy players na pinangunahan ni Bobby Parks.
Nakasama rin sa team sina Ogie Gumatay, Leo Vilar, Arnie Canoza at Noel David.
Ang mag-asawang coach Nat at Tess Canson ang siyang nag-imbita sa kanila sa pamamagitan ni Ary Susardono na siyang head ng Indonesian Basketball League.
Tuwang-tuwa ang mga Pinoy doon na makakita ng mga Pinoy na players tulad nina Bernard Tanpua, Jay Lapinid, Loreto Soriano, Tyrone Bautista, Mario Reyes, Rodel Manuel, Judge Primero, Rolly Menor at Erwin Luna na halos lahat eh nagkaroon na ng experience sa MBA, PBA at PBL.
Nakabalik na rin sila kahapon at sa awa ng Diyos, wala namang nagka-SARS sa kanila.
Hindi naman kaguwapuhan ang player pero maraming bading na naghahabol sa kanya.
Pero dinedma niya ang lahat ng mga bading na gustong mag-sponsor sa kanya dahil may girlfriend siyang mayaman.
Tumulad na rin siya sa isang PBA rookie na dating paborito ng mga bading pero ngayon ay nag-stick na sa kanyang girlfriend na madatung.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest