^

PSN Palaro

Palaro ililiban lang

-
Pansamantalang ipinapaliban ng Department of Education (Dep-Ed) ang pagdaraos ng Palarong Pambansa na naunang itinakda sa pagitan ng Mayo 4 hanggang 11 sa Tubod, Lanao del Norte.

Ito ang inihayag kahapon ni DepEd Secretary Edilberto de Jesus base sa rekomendasyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya.

Una rito, bagaman inihayag ni de Jesus na tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng Palarong Pambansa, ay sinabi naman nitong nakalipas na Sabado na mainam na lamang na ipagpaliban ito dahil sa gina-wang pagbobomba ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ilang mga bayan sa nasabing lalawigan na ikinasawi ng pitong MILF at 13 sibilyan sa bayan ng Kolambugan at Maigo, Lanao del Norte kamakailan.

"We are still waiting for the go signal of the military, we cannot sacrifice for the safety of the participants," pahayag ni de Jesus sa ginanap na press conference kahapon sa tanggapan ng DepEd.

Gayunman, sinabi ni de Jesus na patuloy ang isinasagawang preparasyon ng departamento para sa Palarong Pambansa na inaasahang lalahukan ng 5,000 estudiyanteng atleta mula sa 12 rehiyon ng bansa.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay de Jesus, wala pa silang napag-uusapan hinggil sa petsa para idaos ang Palarong Pambansa gayundin naman ang pagtalakay sa posibleng paglipat ng venue. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF GEN

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOY CANTOS

LANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NARCISO ABAYA

NORTE

PALARONG PAMBANSA

SECRETARY EDILBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with