Si Rhyan Tanguilig, na sinasabing susunod na Carlo Guieb, kung hindi tumiklop ang tour noong 1998, ay isa sa mga seryosong contender para sa individual crown. At nais maisakatuparan ang pangako sa kanyang pangunguna sa kampanya ng Pagcor Sports na makopo ang overall championships na nagkakahalaga ng P1 million.
Ang malakas sa akyatan ay tutulungan ni national team standout Lloyd Reynante, na isang time trial specialist. Pangungunahan naman ni Tour of Calabarzon champion Santy Barnachea ang Bowling Gold team na nagsagawa din ng ilang pagha-handa para sa karera na magbibigay ng P200,000 sa top individual finisher. Sa kabilang dako, ang Tanduay ay may pamilyar ding pangalan ang lider.
Ang beteranong national team member na si Arnel Querimit ang mangunguna sa Distillers sa team event at inaasahan ni coach Hector Padilla na ang kanyang karanasan ay makakatulong ng malaki sa team.
Dadalhin naman ni Alberto Primero ang PLDT-NDD, na sinorpresa ang marami nang pumuwesto ito sa magandang posisyon sa Calabarzon race.
Gagamitin naman ni Renato Dolosa, ang "Thinking cycling" ang kanyang utak upang manguna sa Gilbeys Island Punch para sa team title. Ang huling kinoronahang siklista sa karera na si Warren Davadilla ang siya namang lider sa Intel at paborito sa individual race.
Ang beteranong si Nicanor Ramos Jr. ang tuturbo sa Samsung habang ang mountain specialist na nanalo ng back-to-back titles na si Guieb, ang magda-dala sa EcoSavers ng Department of Environment and Natural Resources.
Ang Postmen ng Department of Transportation and Communication ay ipaparada ni Enrique Do-mingo na matagal na rin sa Tour simula pa noong 1998 ay nasa kalsada na. Isa pang beterano si Placido Valdez ang mamumuno sa Drugbusters ng Department of Interior and Local Government habang si Bernard Luzon ang para sa Patrol 117 ng DILG rin.
Ang walang kapagurang si Felix Celeste ang tatrangko sa VAT Riders ng Bureau of Internal Revenue.
Ang mga team captains na ito ay may kanya-kanyang expertise para gumawa ng kani-kanilang estratehiya para sa pagbabalik ng karera.