^

PSN Palaro

Makahulugang Palarong Pambansa inaasahan

-
Inaasahang magiging ma-drama at makahulugan ang tema ng 2003 Palarong Pambansa na gaganapin sa Tubod, Lanao del Norte na magsisimula sa May 4-11 sa Mindanao Civic Center.

Sinabi kahapon ni Lanao del Norte Gov. Imelda Quibranza-Dimaporo na ang Palaro ngayong taon ay magbibigay ng pruweba na may kapayapaan sa Mindanao lalo na sa nabanggit na probinsiyang kilala sa mga magagandang waterfalls at seafoods.

"The news that we are finally hosting the Palaro has provided excitement all over Mindanao," ani Dimaporo sa PSA Forum sa Manila Pavillion Hotel. ``We want to show that there can be peaceful co-existence between Muslims and Christians."

Si Dimaporo, isang kristiyano ay isang magandang halimbawa dahil siya ay kasal na sa loob ng 25 taon kay Rep. Abdullah Dimaporo, na miyembro ng Muslim royalty sa South.

Sinabi naman ni PSC chairman Eric Buhain na panauhin din sa forum na nagpadala na siya ng isang team sa Tubod para sa inspection at tulungan ang paghahanda ng Palaro.

Idinagdag din niya na may karagdagang P30 M pondo ang ibinigay sa regional delegations ngayon mula sa Presidential Social Fund ni Pangu long Gloria Macapagal-Arroyo.

Pinuna din ng PSC chief ang malaking bilang ng Palaro na may mahigit 5,000 delegas-yon mula sa iba’t ibang rehiyon bagamat may ilang rehiyon na nagdesisyon na huwag mag-padala ng entries dahil sa umano’y kakulangan sa pag-hahanda.

"We can’t question the concerns of the parents," ani Buhain na tumutukoy sa National Capital Region at Central Visayas. ``But I assured you that Lanao del Norte is a beautiful place and the effect (of their begging off) will all be against them because they denied themselves of a chance to compete."

Idinagdag din niya na ang Manila at Quezon City ay magpapadala pa rin ng team sa Palaro.

ABDULLAH DIMAPORO

BUT I

CENTRAL VISAYAS

ERIC BUHAIN

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IDINAGDAG

IMELDA QUIBRANZA-DIMAPORO

LANAO

MANILA PAVILLION HOTEL

MINDANAO

PALARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with