At ang mga ito ay ang Bowling Gold, Tanduay at PLDT-NDD teams na kapwa gigiyahan ng mahuhusay na skippers at malakas na lineup na maghahangad sa P1M top team prize at P200,000 individual champions na ipamimigay sa karera.
Ang Bowling Gold ay maagang nagpadala ng mensahe sa pagkuha kay Tour of Calabarzon 2002 champion Santy Barnachea bilang captain sa pamamahala ni Ceferino Vacunawa.
Kasama din sina Alfie Catalan, ang 511 national cyclist at ang beteranong si Rolando Pagnanawon para sa Bowling Gold na kabibilangan din nina Michael Gonowon, Joffrey Talaver, Dionisio Mendoza at Alfredo Mapa na kapwa mga fighters at taga-atake ni Vacunawa.
Ang walang kamatayang lakas ni Arnel Quirimit ang siya namang babandera para sa Tanduay na hahawakan ni tour veteran Hector Padilla bilang coach at kabibilangan nina Ericson Obosa, Joseph Millanes, Eric Tolentino, Oscar Espiritu, Dominador Jacob at Jesus Garcia. Ang mga naturang siklista, na bagamat kulang sa medalya ay mas mahirap na kalaban para sa pangkalahatang supremidad sa karerang ipiprisinta ng Air21.
At huwag din balewalain ang PLDT-NDD riders. Sa husay at bilis ni Alberto Primero bilang captain at assistant skipper Rainer Austria, bibigyan nila ng tinik ang mga kalaban para kay coach Alfredo Millanes.
Hahatak din para sa PLDT-NDD cyclists sina Jessie Bacudo, back-to-back champion Carlo Guieb, Noli del Rosario, Roque Bautista, Virgilio Muena at Oscar Fronda.