Ito ang kauna-unahang panalo ng Express laban sa Beermen mata-pos matalo sa tatlong naunang paghaharap at pantay na sila ngayon sa Group A sa magkatulad na 5-5 panalo-talo baraha.
Sinimulan ni Ritualo ang 10-0 run na tinampukan ng kanyang four-point play mula sa foul ni Olsen Racela, para sa 86-78 bentahe ng Express, 46 segundo na lamang ang oras sa laro.
Huling hinawakan ng San Miguel ang trangko sa 78-76, 3:51 ang nasa orasan at buhat dito, ang three-point play ni Dondon Hontiveros ang kanilang tanging naging produksiyon habang kumayod naman ng 15 puntos ang Express.
Si Ritualo ay nagtapos na may 17 puntos, 14 nito ay sa ikaapat na quarter lamang, dagdag pa ang kanyang tatlong rebounds at dalawang steals.
Ngunit hindi naman maisasantabi ang eksplosibong performance ni Vergel Meneses na tumapos ng 24 puntos, 15 nito ay kanyang kinana sa ikatlong quarter lamang bukod pa sa kanyang isang rebound at 8 assists.
Sinamantala ng Express ang 15-turnovers ng San Miguel para makakuha ng 21puntos habang naka-siyam na puntos lamang ang Beermen sa 10 turnovers ng Express.
"Its long overdue," pahayag ni FedEx coach Derick Pumaren na nakatikim na rin ng panalo kon-tra sa Beermen. "Thats one thing we had in our minds that we havent beaten San Miguel yet."
Muling bumandera para sa Beermen si Nick Belasco sa kanyang kinamadang 21 puntos at nag-ambag naman ng 16 si Hontiveros.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban pa ang Sta. Lucia Realty at Talk N Text Phone Pals. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)