Alam naming kahit na napakarami na naming kasalanan at pag-kakamali sa Iyo, patuloy mo pa rin kaming pinapatawad, binabantayan at binibiyayaan. Grabe ang pag-ibig na ibinibigay mo sa amin, pero madalas, marami sa amin ang hindi nakakapansin niyan.
Madalas, nakakalimutan naming magpasalamat sa maraming biyaya na dumarating sa amin.
Tuwing magigising kami sa umaga, biyaya na pala yun.
Turuan mo pong magpasalamat ang bawat isa sa amin tuwing nakakain kami ng isa, dalawa, tatlo o kahit apat na beses pa sa isang araw.
Tuwing aalis kami ng bahay sa gabiy makakabalik kami ng buong-buo, biyaya na yun. Madalas kasi, kapag nakakauwi na kami ng maluwalhati sa aming mga bahay at nahihimlay ng maayos sa aming mga kama, kakaunti sa amin ang nakakaisip na oo nga, isa nang malaking biyaya yun na nakauwi kami ng matiwasay at walang anumang masamang nangyari sa amin sa daan.
Sa araw-araw na ibinibigay Mo sa amin, alam Mo kung kailan kami bibigyan ng ulan, ng malakas na hangin, ng mainit na araw, ng gabing malamig, ng buwan na kahit sa gabiy nagniningning ang liwanag.
Yun ngang simpleng pag-akyat ng hagdanan at pagbaba, at nagawa namin ng hindi kami natatapilok o kayay nadulas, dapat pala, kahit ang mga simpleng bagay na yan, marami sa amin eh nakakalimot na magpasalamat.
Minsan maka-ihi kami ng maayos, yung maka-dumi kami, yung makaligo kami ng hindi nadudulas sa loob ng banyo, hay naku, kahit ang mga simpleng bagay na yan, marami sa amin eh nakakalimot na magpasalamat.
Minsan, habang ang marami sa amin eh nagsa-shopping, o nanonood ng concert, o nanonood ng sine, o kahit nagka-kape lang sa Starbucks bago umuwi, hindi na namin nararamdaman na oo pala, mas masuwerte kamit mas blessed dahil yun ang ginagawa namin at hindi tulad ng ibang tao na nagbabantay sa ospital ng may sakit nilang kamag-anak, o nag-aasikaso ng burol ng sumakabilang-buhay nilang mahal sa buhay, o kayay nakaratay sa ospital at sa hirap na hirap na sakit na nararamdaman.
Marami sa amin, kayang magliwaliw sa mga malls at resorts ng buong araw, kayang mag-playstation ng limang oras, kayang makipag-telebabad ng sampung oras, kayang manood ng sine ng dalawat kalahating oras, kayang makipag-chikahan sa barkada ng pitong oras. Pero kahit isang oras lang sa isang linggo, hindi magawang magsimba at kung magawa mang magsimba, parang nagma-madaling matapos ang misa at tumakbo nang palabas ng simbahan.
Marami sa amin hiling nang hiling. Patamain mo na ako sa lotto, please. Bigyan mo ko ng trabaho ngayon. Bantayan mo kaming mag-papamilya. Sanay maka-jackpot ako. Gawin mo akong sikat Lord. Bigyan mo na kami ng bahay. Pakainin mo kami three times a day na may dalawang meryenda pa. Panay na lang ang hiling pero hindi naman makapagbulong ng pasasalamat sa Yo.
At ang mas matindi pa, marami sa amin, wala nang ginawa kundi ang magreklamo sa buhay.
Ngayong Semana Santa, sanay matutunan ng lahat sa atin na patuloy na magpasalamat sa napakaraming blessings na dumarating sa buhay natin, at sanay mapansin na natin na kahit gaano kaliit, kahit hindi na kapansin-pansin, walang araw na pinalagpas ang Diyos na hindi tayo binigyan ng blessings.
Lord, may we all know how to count our blessings and learn to thank You for them.