^

PSN Palaro

Bilib si Guiao sa bench niya

FREE THROWS - AC Zaldivar -
SA tutoo lang, kahit nangangalahati pa lang sa kanilang scheduled games ay parag safe na safe na ang Batang Red Bull na papasok sa susunod na yugto ng Samsung-PBA All-Filipino Cup.

Kasi nga, matapos ang siyam na laro ay nakapagposte na ng 8-1 record ang Thunder sa Group B ng torneo kung saan kasama nito ang nangungulelat na Shell Velocity na mayroon namang 1-8 karta. Hindi naman siguro matatalo ang Thunder sa lahat ng siyam na larong natitira at babagsak sa 8-10.

At kahit na siguro matalo pa ang Red Bull sa natitirang siyam na laro, hindi naman siguro mananalo ang Turbo Chargers sa natitira nilang siyam na games upang umangat sa 10-8.

So, ngayon pa lang ay puwede nang magpahinga ang Thunder.

Ganoon kasi ang format ng torneo, eh. Kumbaga, parang hindi rin maganda ang naging format.

Kasi nga, kung magpapahinga na ang Red Bull at magre-relax sa kanilang natitirang laro, hindi na magiging magandang panoorin ang mga ito.

Pero iba si team owner George Chua. Iba si team manager Tony Chua. Iba si coach Joseller "Yeng" Guiao. Tiyak na pupukpukin nila nang husto ang kanilang mga manlalaro na ipagpatuloy ang maganda nilang performance sa natitira nilang laro.

Very competitive kasi ang Red Bull organization. At natural na nais na i-project ng koponang ito ang tikas at lakas na naibibigay ng kanilang produkto.

Alangan namang lalamya-lamya ang Thunder, eh, energy drink ang kanilang pino-promote!

Kung si Guiao ang tatanungin mo, nais niyang manatiling sharp ang Thunder hanggang sa dulo ng torneo. Puwedeng mag-eksperimento siya ng mga bagong kumbinasyon ng mga bagong plays pero ang bottomline ay kailangan pa rin nilang mapanatili ang kanilang winning attitude.

Kasi nga, kung babagsak ang kanilang performance sa natitirang siyam na laro, aba’y baka mag-spill over ito sa susu nod na round ng torneo. Baka kapag kailangan na nilang magpakitang gilas ay mahirapan na sila.

Hindi naman parang gripong sinasarhan at binubuksan ang intensity ng mga players, eh.

Isa pa’ng maganda sa sistema ni Guiao ang pangyayaring ginagamit niya nang husto ang kanyang bench. Sampu sa 12 players ng Red Bull ang nakapaglaro sa lahat ng siyam na games nila so far. Tanging sina Vince Hizon at Edmond Reyes ang nagmintis ng tigalawang games.

Si Hizon ay hindi naglaro sa unang dalawang games ng Red Bull dahil may injury pa siya. Si Reyes ay hindi nakapag-laro ng dalawang games dahil sa namatay ang kanyang ama.

Ibig sabihin kung hindi nagkaroon ng injury si Hizon at hindi namatayan si Reyes, baka hindi rin sila sumablay.

Ganoon kabilib si Guiao sa kanyang bench.

Kaya ba ng ibang teams iyon?

vuukle comment

ALL-FILIPINO CUP

BATANG RED BULL

EDMOND REYES

GANOON

GEORGE CHUA

GROUP B

GUIAO

KASI

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with