Hapee nanalo sa LBC-Batangas
April 11, 2003 | 12:00am
Pumanig ang ihip ng hangin sa Hapee Toothpaste upang matakasan ang LBC-Batangas at itala ang 61-59 panalo para mapreserba ang kanilang malinis na record sa kasalukuyang Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Pinangunahan nina Peter June Simon at Wesley Gonzales ang Teeth Sparklers sa pagkamada ng tig-11 para sa kanilang ikalimang sunod na panalo upang manatili sa solong liderato hindi lamang sa Vis-Min division kundi sa buong torneo.
Umangat ang Hapee sa 57-47 matapos ang jumper ni Gonzales, may 4:07 pa ang nalalabing oras sa laro ngunit di nawalan ng pag-asa ang LBC na nakalapit ng hanggang dalawang puntos, 55-57 mata-pos simulan ni Ralph Rivera ang 8-0 rally.
Naging mahigpit ang laba-nan sa puntong ito hanggang sa makaabante ang Teeth Sparklers sa 61-57 mula sa free-throws ni Froilan Baguion ngunit umiskor ng put-back si Mico Roldan upang muling idikit ang iskor sa 59-61, 3.2 segundo na lamang.
Bagamat nagmintis si Ryan Dy sa kanyang dalawang free-throws mula sa foul ni Rivera, hindi na sapat ang 1.9 segundong natira para sa posesyon ng Batangas dahil pumaltos lamang ang minadaling basket ni Alex Compton.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest