San Beda pasok na sa semis

Ipinormalisa ng San Beda College ang kanilang pagpasok sa semifinal nang pabagsakin ang Mapua, 66-50 at manguna sa Group 1 via sweep habang sinungkit naman ng San Sebastian College ang ikalawang semis berth sa Group II makaraang sibakin ang Letran, 62-47 sa pagtiklop ng quarterfinals ng Sunkist Youth Basketball Championship sa Makati Coliseum kahapon.

Ipinalasap naman ng Red Cubs, nagpatikim ng unang pagkatalo sa Faith Academy noong Martes, ang 93-69 kabiguan ng Red Robins.

Humakot si Roel Es-cueta ng 17 puntos, habang nagdagdag naman si Claiford Arao ng 10 puntos para sa Red Cubs na kumubra rin ng 35 puntos mula sa apat na manlalaro na sina Joseph Casio, John Condevillamar, Jayfelson Agbayani at Arvin Braganza.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng San Beda kabilang ang dalawa sa eliminations na naglagay sa Red Cubs ng pagiging team to beat sa event na ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.

Show comments