^

PSN Palaro

Batangas binuhusan ng Viva Mineral Water

-
Nilimita ng Viva Mineral Water ang LBC-Batangas sa isang basket sa huling apat na minuto upang kanain ang kanilang unang panalo sa bisa ng 74-66 tagumpay kahapon sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Humakot si Francis Gerard Jones ng 17 puntos, apat na rebounds at tatlong assists, subalit mas pumukaw ng atensiyon si Warren Ybañez nang siya ay kumayod sa mga krusiyal na bahagi ng labanan upang trangkuhan ang Water Force sa pagpasok sa win column makaraan ang apat na laban.

Ang kabiguan ang ikatlong dikit ng Blades matapos ang apat na asignatura.

Naging mahigpitan ang labanan ng dalawang koponan kung saan tinampukan ito ng pitong ulit na pakikipagpalitan ng pagtatabla at walong ulit na nagpalitan ng trangko na ang huli ay sa 64-63 matapos ang split shot ni Joe Dominguez mula sa foul ni Ybañez na nagdala sa Batangas sa pangunguna sa 4:12 segundo ng labanan sa final canto.

Isang jumper ni Joel Co ang nagpasimula ng 11-2 salvo upang iposte ng Viva ang 68-64 kalamangan may 1:04 na lamang sa laro.

BATANGAS

FRANCIS GERARD JONES

HUMAKOT

JOE DOMINGUEZ

JOEL CO

PASIG SPORTS CENTER

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

WARREN YBA

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with