RP di sasali sa finswimming

Posibleng hindi na lumahok ang Philippines sa finswimming event ng Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre.

Ito’y sa dahilang ang national sports association na nangangasiwa ng nasabing sports sa bansa ang Philippine Underwater Hockey Confederation ay hindi pa nage-endorso ng sinumang atleta.

"We do not have a single finswimmer and eight months of preparation will not be enough for any aspirant to win a medal," ani PUHC president Abigail Mendoza sa kanyang liham kay Philippine Olympic Committee president Celso L. Dayrit.

Sinabi naman ni Mendoza na ang nakalaang pondo na inilaan ng Philippine Sports Commission para sa paglahok ng finswimming ay ibigay na lamang sa iba pang sports na malaki ang posibilidad na makapag-uwi ng medalya sa bansa.

Tinukoy pa ng PUHC head sa kanyang liham na ang host Vietnam ay palaging lumalahok sa Asian finswimming championships simula noong 1995 at maaaring ito ang makakuha ng mas maraming medalya sa 16 golds na nakataya sa nasabing sports sa biennial meet na ito.

Idinagdag pa rin niya na nakikipaglaban na rin ang Indonesia at Singapore sa nasabing discipline simula noong 90s.

Kinikilala ng POC ang underwater hockey body ay miyembro ng World Underwater Sports Federation (CMAS).

Show comments