Kinubra ng 9-anyos na duo nina Kevin James Miranda at Camille Angue ng Bario Obrero, Tondo at kapwa incoming Grade III pupil sa Bo. Obrero Elementary School ang nasabing ginto makaraang talunin ang pareha nina Adrian Lester Geri-sola at Grisley Angue sa nasabing events ang una sa dalawang gintong medalyang nakataya sa nasabing kompetisyon.
At sa Youth Standard and Latin category, dinuplika ng pareha nina William Bernardino at 1st Batang Pinoy gold medalist Cynthia Tajon ang tagumpay nina Miranda at Angue makaraang manguna sa nasabing kategorya.
Sa badminton event, bagamat inilagay sa mas mataas na antas na age group level, nananatiling paborito pa rin ang top three finishers sa girls division ang girls, singles event makaraang magwagi sa kani-kanilang kalaban.
Tinalo ng 12-anyos at silver medalist noong nakaraang Batang Pinoy na ginanap sa Puerto Princesa City at runner-up sa nakaraang MYG na si Janina Marie Paredes na kumatawan sa Paredes Team si Arriane Mendiola ng Legarda Elementary School, 11-0, 11-0 upang umusad sa round of 32 ng girls 15-and-under singles event.
Makakasama ni Paredes sa second round si Angelica de Guzman na tumapos ng second runner up noong nakaraang taong edisyon makaraang patalsikin si Ronalyn Pilapil ng District III, 11-0, 11-0.
Hindi naman kinaila-ngang pagpawisan ng 1st MYG badminton champion sa girls singles na si Karyn Velez nang di sumipot ang kanyang kalaban na si Sunshine Agbayani ng YDWB.