^

PSN Palaro

Duremdes, Santos PBA Player of the Week

-
Tinalo ng dalawang dating Alaska players na sina Kenneth Duremdes, nanalo ng Most Valuable Player award na siya ay nasa Aces pa at Rodney Santos, nagkamit ng sixth man honors bilang reliever sa Alaska, ang mga bigating kalaban para sa Player of the Week citation ng kasalukuyang PBA Samsung All-Filipino Cup.

Ang listahan ng kanilang mga tinalong players ay kinabibilangan ng mga mahuhusay na performers para sa linggong Marso 31 hanggang Abril 6.

Ito ay sina Lordy Tugade ng Red Bull, Marlou Aquino at Dennis Espino ng Sta. Lucia at Noy Castillo ng Purefoods.

Automatic winner na si Dennis Espino dahil sa kanyang nakamit na individual award nang maabot nito ang 5,000 point mark sa kanilang laban kontra sa defending champion Coca-Cola kasabay si Marlou Aquino bilang kauna-unahang teammates na sabay nakapasok sa 5,000 point club.

Puwede rin sanang kahati ni Duremdes si Aquino para sa naturang citation ngunit di matatawaran ang ipinamalas na laro ni Rodney Santos.

Tulad ng kanyang ibinibigay na performance sa Alaska noon mula sa bench, pinangunahan naman ni Santos ang Purefoods sa opensa sa kanyang average na 17.5 puntos mula sa kanyang 68.6 clip mula sa field sa nakaraang linggo.

Sina Santos at Duremdes ay pinakawalan ng Alaska nang kanilang binago ang anyo ng koponan.

Ipinagpalit ng Alaska si Duremdes sa kanilang first round pick sa nakaraang draft na ginamit ng Aces kay Brandon Lee Cablay.

Dahil dito, muling nagkasama sina Duremdes at Aquino, ang kanyang college teammate at kasamahan sa national team na ipinadala sa Asian Games.

Pinakawalan naman ng Aces si Santos para maghanap ng kanyang koponan dahil sa kanilang masikip na salary cap at nakahanap ng puwesto si Santos sa Purefoods.

vuukle comment

AQUINO

ASIAN GAMES

BRANDON LEE CABLAY

DENNIS ESPINO

DUREMDES

KENNETH DUREMDES

LORDY TUGADE

MARLOU AQUINO

PUREFOODS

RODNEY SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with