^

PSN Palaro

Masikip sa Group A

FREE THROWS - AC Zaldivar -
BIGLANG-BIGLA ay sumikip ang labanan sa Group A ng Samsung-PBA All-Filipino Cup na kinalalagyan ng Alaska Aces, San Miguel Beer, FedEx, Sta. Lucia Realty at Purefoods Tender Juicy Hotdogs.

Ito’y matapos na matalo nang dalawang sunod ang Express at magwagi naman ng tatlong sunod ang Realtors at Hotdogs.

Kaya naman sinasabi ni coach Tim Cone na kahit na nasa itaas ng standings ang Aces na may anim na panalo at tatlong talo ay hindi pa rin sila puwedeng magpa-easy-easy. Nangangalahati pa lang kasi sila sa kanilang scheduled 18 games at puwede pa silang dumausdos sakaling magpabaya sila!

Kung tatanungin kasi ang mga eksperto, sasabihin nila na bago nagsimula ang torneo ay inaasahang ang FedEx ang siyang mahihirapan sa Group A. Ito’y base sa performance ng mga koponan noong isang taon kung kailan halos nangulelat ang Express.

Pero ginulat nga ng FedEx ang lahat nang makapagtala ng apat na sunud-sunod na panalo. Ibig sabihi’y hindi na basta-basta ang koponang ito at palaban na rin ang tropa ni coach Derick Pumaren. Dahil dito’y naging interesting ang labanan.

Ayon kay Cone ay inaasahan na niya ang "surge" sa laro ng Sta. Lucia at Purefoods dahil sa matindi ang line-ups ng dalawang koponang ito. Nahirapan nga lang sila sa umpisa ng torneo dahil sa mga pagbabagong naganap sa kani-kanilang kampo.

Ang Realtors, na nalaglag sa 1-4 record, ay nasa ilalim na ngayon ni coach Alfrancis Chua. Kinuha nila si Kenneth Duremdes sa Alaska Aces sa pamamagitan ng trade at pagkatapos ay ipinamigay ang ilang manlalaro upang pagkasyahin ang kanilang salary cap.

Natural na nabulabog ang Realtors at nahirapan si Chua sa pagbalasa sa kanyang mga manlalaro. Subalit nang maintindihan na ng Realtors ang kani-kanilang roles sa team ay nagsimula na nga silang magwagi.

Nagpalit din ng coach ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs halos dalawang linggo na lang ang nalalabi bago nagsimula ang Torneo nang italaga ang batam-batang si Ryan Gregorio bilang head coach kapalit ni Eric Altamirano na ngayon ay nangangasiwa ng San Miguel Countryside Basketball Development Program.

Dahil iba na ang pressure bilang head coach kaysa interim head coach, natural na hindi kaagad nakagawa ng karampatang adjustments si Gregorio at bumagsak sa 1-5 record ang Hotdogs.

Pero ngayong alam na nina Noy Castillo at Alvin Patrimonio ang papel na gagampanan nila, hayun at tatlong sunod na panalo na rin ang naitala ng Hotdogs.

"You can’t expect Sta. Lucia and Purefoods to remain in the cellar. They’ll break out somehow," ani Cone.

At siyempre, sinabi din niya na kung babalik buhat sa injured list si Danny Seigle, tiyak na mamamayagpag nang husto ang San Miguel Beer.

Isang koponan lang kada grupo ang malalaglag pagkatapos ng elimination round. Sa ngayon ay mahirap sabihin kung aling koponan ang malalaglag sa Group A. Iyon ang isyung hindi pa malinaw.

E, sa Group B parang kita na ng lahat kung ano ang mangyayari!
* * *
HAPPY birthday kay Purefoods coach Ryan Gregorio na nagdiriwang ng kanyang ika-31 kaarawan ngayon. Magandang regalo sa kanya ang 73-69 panalong itinala ng Hotdogs kontra Ginebra noong Sabado.

ALASKA ACES

ALFRANCIS CHUA

ALL-FILIPINO CUP

COACH

FEDX

GROUP A

PUREFOODS TENDER JUICY HOTDOGS

RYAN GREGORIO

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with