John-O nakisosyo sa liderato

Mahigpit na depensa ang ipinamalas ng John-O upang pabagsakin ang Nutri-licious 103-84 kaha-pon sa Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Nanguna si Emmerson Oreta na kumana ng 20 puntos habang apat pa sina Ricky Calimag, Ranidel de Ocampo, Mark Macapagal at Celi-no Cruz -- ang kumana ng double digit para tuluyang makalayo ang John-O sa second quarter pa la-mang at hindi na muling lumingon pa tungo sa kanilang tagumpay.

Nagsagawa impre-sibong double-double performance si Calimag na may 18 puntos at 10 rebounds habang si De Ocampo na naglaro sa loob ng 27 minuto ay may 15 puntos at 7 rebounds.

Naglista naman sina Macapagal at Cruz ng 14 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa panalo naki-sosyo ang John-O sa liderato sa NCR division sa walang larong ICTSI sa 2-1 karta, habang nilasap naman ng Juicers ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

Show comments