Manalot Matalo, Panalo Si Manalo
April 3, 2003 | 12:00am
Hindi lahat ng karera nakukuha sa paspasan. Hindi sa simula nananalo, madalas sa katapusan.
Iyan ang inaasahan ni BJ Manalo ng De La Salle Green Archers. Kung minsan, iyan lang ang patalim na kanyang kinakapitan, sa dami ng napagdaanan nang pasakit.
Ilang taon din bago siya tinantanan ng mga kritiko dahil sa paglipat niya sa DLSU mula sa Ateneo de Manila. Marami rin siyang makukulit na pilay na inalpasan.
Patok na patok si BJ sa mga advertiser at team.
Ngayong aabutin na niya ang kasukdulan ng kanyang pangarap, nadisgrasya pa siya.
"I was practicing for the Philippine team, I was practicing for my PBL team (ICTSI) and I was practicing for La Salle. So I had three practices a day, from 2:30 to 10:00 oclock, and of course, in the morning pumapasok ako. So pagod na pagod na yung katawan ko."
Punit na ACL (anterior cruciate ligament) and sirang MCL (medial collateral ligament) ang pasya ng mga doktor. Walong buwan siyang di makakapaglaro.
"I thought, is this how much I love basketball? Of course, if I didnít like what I was doing, I wouldnt endure this," dagdag ni BJ. "The first five minutes after it happened, I was frustrated and really depressed. But I offered my playing to God. And I know God is in control."
Ang katanungan ngayon ay kung tunay ngang natanggap ni Manalo ang kanyang kapalaran, o di niya ito hinaharap ng lubusan dahil sa sobrang sama ng loob. Pero anuman ang mangyari, aminado si BJ na di niya isusuko ang basketbol.
"I am not giving up my basketball. I am skipping the UAAP this year. Hopefully, Ill be back in 2004, if that is really Gods plan."
Hanggang saan susundin ni BJ Manalo ang planong di niya maunawaan, planong laging umaantala sa kanyang pangarap na makapaglaro sa PBA?
Hanggang sa makakaya niya.
Matutunghayan ang kabuuan ng panayam kay BJ Manalo sa programang "The Basketball Show" sa IBC-13 sa Sabado, ganap na alas 5:30 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended