^

PSN Palaro

Lahat handa na sa Nestea Beach Volley Boracay Finals

-
Nasa kundisyon na at handang-handa ng sumabak sa matinding aksiyon ang 16 finalists ng seventh Nestea Beach Volley University Championships sa Boracay ngayong weekend kung saan ang bawat koponan ay umaasang mag-uuwi ng prestihiyosong titulo at P100,000 top prize.

Apat na dating kampeon, kabilang ang tatlo sa men’s division ang muling babalik upang tangkaing manalo sa kompetisyon na sisimulan sa Sabado at Linggo sa tanyag na island paradise na kilala sa pagkakaroon ng puting buhangin na nagkikislapan sa gabi.

Determinado ang mga finalists sa nasabing annual event na ipi-prisinta ng Nestea na magwagi makaraan ang walong araw na kompetisyon na umabot sa 184 matches kabilang ang 96 koponan--na magmumula pa Baguio patungo sa norte hanggang Tawi-Tawi pababa sa south na sumali sa Rockwell Center sa Makati.

Nakataya rin dito ang P50,000 halaga ng sports equipment na mapupunta sa mga mananalong paaralan.

Ang iba pang kasali sa men’s division ay ang Mindanao State University, Negros Occ., Recoletos, 1998 champion San Sebastian,UP Diliman, defending champion San Jose Recoletos, Central Colleges of the Philippines at St. Benilde. Nasungkit ng Foundation U ang korona noong 2001.

Sa women’s side, ang mga finalists ay ang University of Cebu, Southwestern University, 2002 at 2001 winner San Sebastian,Letran, San Jose Recoletos, Holy Cross of Davao College at University of Baguio.

CENTRAL COLLEGES OF THE PHILIPPINES

FOUNDATION U

HOLY CROSS OF DAVAO COLLEGE

MINDANAO STATE UNIVERSITY

NEGROS OCC

NESTEA BEACH VOLLEY UNIVERSITY CHAMPIONSHIPS

ROCKWELL CENTER

SAN JOSE RECOLETOS

SAN SEBASTIAN

SOUTHWESTERN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with