^

PSN Palaro

Asia's Fastest woman darating sa RP

-
Bukod sa mahirap kabisaduhin at bigkasin ang pangalang Susanthika Jayasinghe, tinik din ito sa daan ng mga Filipino sa paglahok ng tinaguriang "Asia’s fastest woman sa Asian Athletics Association (3As) championships na nakatakda sa Setyembre 20-23 sa Rizal Memorial Track and Field Stadium.

Ang 28 anyos na Sri Lankan runner na may oras na 11.15 seconds sa century dash para sa gold medal sa Busan Asian Games magdedepensa din ng kanyang korona sa 100m at 200m na kanyang pinagreynahan noong 2002 Asian championships na ginanap sa sariling balwarte sa Colombo.

Isa pang runner, si Saha Saraswati ng India na nanguna sa 200m sa Busan ay inaasahang magbibigay ng magandang laban kay Jayasinghe para sa posibleng rematch. Ang Indian runner ay may tiyempong 11.43 bilang personal best at may .28 tikadang layo sa Sri Lankan.

Ang iba pang mabigat na maghahamon ay sina Lyubov Perepelova at Guzel Khubbieva ng Uzbekistan na may oras na 11.19 sec at 11.38 seconds, ayon sa pagkakasunod, at Viktoriya Koviyreva ng Kazakhstan na may oras namang 11.39.

Sina Saraswati at Jayasinghe ay kapwa may hawak ng fastest time sa 200m sa magkatulad na personal best na 22.82 seconds.

ANG INDIAN

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

BUSAN ASIAN GAMES

GUZEL KHUBBIEVA

JAYASINGHE

LYUBOV PEREPELOVA

RIZAL MEMORIAL TRACK AND FIELD STADIUM

SAHA SARASWATI

SINA SARASWATI

SRI LANKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with