Blades pumurol sa Blu Star

Pinigilan ng Blu Star ang LBC-Batangas sa isang puntos lamang na produksiyon sa huling apat na minuto upang iposte ang 75-70 panalo kahapon na naghatid sa kanila sa solong liderato ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa San Juan gym.

Nang magsimulang magbanta ang Batangas Blades, sinimulang iligtas nina Allan Gamboa at Lou Gatumbato ang Detergent Kings nang magsa-nib ng puwersa para sa paglulunsad ng mainit na 9-1 bomba upang iselyo ang ikalawang dikit na panalo ng Blu Star.

Angat ang Blu sa 63-55, may tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa final quarter nang mag-salpak ng back-to-back triples ang bagong recruit na si Joe Dominguez para pasimulan ang 9-2 rally na nagpababa ng kalamangan ng Blu sa isang puntos na lamang, 64-65 may 4:41 ang nalalabi sa laro.

Dito ginamit ni coach Leo Isaac ang kanyang time out at naging epek-tibo naman ang kanyang instruction kina Gatum-bato at Gamboa na nagtulungan sa 9-1 run upang iseguro ang kanilang panalo, 74-65 sa huling 18.5 segundo ng labanan.

Lumaro ang Batangas na di nakaasa sa serbisyo ni Alex Compton na mayroong injury sa tuhod dahilan upang bumagsak sila sa pakikipagtabla sa Nutrili-cious na mayroong 1-1 kartada.

Show comments