5 Fil-Ams delikado na
March 28, 2003 | 12:00am
Limang Fil-foreign players sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nanganganib na mapatalsik sa bansa makaraang mabuko ng senado na peke ang kanilang mga papeles sa pagpapatunay ng kani-lang pagiging Filipino.
Sinabi ni Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, na natuklasan ng kanyang investigative team na ipinadala sa sinasabing lalawigan ng pinagmulan ng limang Fil-foreign cagers na hindi kilala ang mga sinasabi nilang ninuno.
Ayon kay Barbers, ang limang players ay sina Dorian Peña ng San Miguel, Paul Asi Taulava ng Talk N Text, Rudy Hatfield ng Coca-Cola, Jon Ordonio ng Alaska at Eric Menk ng Ginebra.
Sa ginawang pagdinig kahapon, ibinunyag ng investigative team kay Barbers na pawang mga fictitious ang sinasabing ninuno ng mga nabanggit na players dahil maging ang local civil registrar ng kanilang pinagmulan ay walang nakatalang birth certificates o death certificates ng kanilang ninuno.
Nagtungo ang investigative team ni Barbers sa Escalante, Negros Occidental na pinagmulan umano ng lahi ni Peña; San Jose Northern Samar na pinanggalingan ni Taulava; Luna, La Union na pinagmulan ni Hatfield; Bauang, La Union na pinanggalingan naman ni Ordonio at Lauan, Samar ni Menk.
Ang naging problema naman ni Menk ay ang pagsusumite ng kanyang ina ng dalawang birth certificate kung saan magka-iba ang lugar di katulad ng apat na pinaghihinalaang fictitious lamang ang pangalang isinumite ng kanilang mga ninuno.
Idinagdag pa ni Barbers na inihahanda na ng kanyang komite ang report kaugnay sa magiging rekomendasyon kung sinu-sino ang dapat ipata-pon palabas ng bansa at tuluyang hindi pahintulutang makapaglaro sa PBA o anumang basketball league dito sa bansa.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended