^

PSN Palaro

Sana magpatuloy si Vergel!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Sa ikalawang sunod na linggo, si Vergel Meneses ang nahirang na Player of the Week ng PBA Press Corps.

Dahil maganda ang laro ni Vergel, nagiging maganda rin ang takbo ng buong FedEx team. Kaya sa ngayon nakahataw ang FedEx at mukhang makakapasok sa susunod na round.

Sana nga magtuloy-tuloy na ang magandang laro ni Vergel.

Matagal na panahon na rin namang hindi nakapagpa-kitang-gilas si Vergel dahil galing ito sa injury. Mukhang nalagpasan na niya ito kaya hayan at humahataw na rin siya.
* * *
Patuloy ang magandang layunin ng PBL na makapag-produce pa ng mga potential basketball superstars.

Nalagasan man sila ng dalawang teams, hayan at may dalawa namang bagong pumasok kaya tuloy-tuloy pa rin ang liga.

Ang PBL ay isa nang liga na sa paglipas ng panahon eh lagi na lang nakaka-ahon mula sa napipintong paglubog.

Kapag may nawawalang team, may dumarating na bago.

Kaya patuloy pa rin ang PBL.

Ngayon, okay naman ang takbo ng bagong conference nila kahit na nalagasan na naman sila ng mga superstars na nagtungo sa PBA last January.

Kahit na anong mangyari buhay pa rin ang PBL!
* * *
Sa Sabado ay mag-uumpisa na ang basketball clinic ni Jojo Lastimosa para sa Alaska.

Tutulungan siya ng mga players ng Ateneo.

I am sure maraming kabataan ang sasali rito lalo na nga’t bakasyon ngayon. Ngayon pa lang, binabati na namin si Jolas at ang organizers ng basketball clinic na ito.
* * *
Malapit na palang mag-retire ang isa pang dating sikat na basketball player.

Tinatapos na lang daw niya ang kanyang kontrata sa team niya at di na siya magrerenew.

Hirap na hirap siyang tanggapin ang kakaunting playing time na ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang coach.

Kahit anong pilit niya, talaga yatang hanggang dun na lang siya.
* * *
Happy birthday kay Dory Magno, ang president ng Boybits and Friend fans club. Belated happy birthday naman kina Peter Gan at Ms. Kay Patani.

Peace and more blessing sa inyo!

vuukle comment

BOYBITS AND FRIEND

CENTER

DORY MAGNO

JOJO LASTIMOSA

KAHIT

KAYA

MS. KAY PATANI

VERGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with