^

PSN Palaro

Menk, Meneses nagsosyo sa PBA Player of the Week

-
Kung ilalarawan si Eric Menk sa kanyang ginawang pagbuhat sa Ginebra upang wakasan ang kanilang three-game losing streak, ‘superhuman’ ang angkop na paglalarawan sa kanya.

Para naman sa performance ni Vergel Meneses sa pag-arangkada ng FedEx, ‘super’ ay bagay na sa kanya.

Ang dalawang players na ito na kumakatawan ng magkaibang henerasyon ay ang naging sentro ng atraksiyon dahil sa kanilang kontribusyon para sa kanilang koponan sa kasalukuyang eliminations ng Samsung PBA All-Filipino Cup.

Kaya naman sila ang napiling co-players of the Week para sa linggong Marso 17-23.

Sina Meneses at Menk ang unang mga players na naghati sa naturang karangalan sa taong ito habang si Meneses ang unang two-time at back-to-back awardee sa season na ito para sa naturang citation.

Kapwa sila karapat-dapat sa award na ito.

Pumukol si Menk, kilalang ‘Major Pain’, ng tres upang wakasan ang regulation at ang unang overtime sa kanyang 37-minutong paglalaro para sa kanyang 45-points at 18 rebounds performance upang ihatid ang Ginebra sa 122-177 panalo kontra sa Talk N Text na tumapos ng kanilang losing streak,

"My mom watched me play against San Miguel and she said I was being too tight and too intense. She said I should just relax and have fun out there and that’s what I did. It was tiring, but it was fun," ani Menk.

Nagtala naman si Meneses ng personal season high 30 points nang igupo ng Express ang Shell, 98-92 bukod pa sa kanyang walong assists. Kumayod din ito ng 16-puntos upang tulungan ang FedEx sa 85-72 panalo kontra sa defending champion Coca-Cola.

"Medyo kundisyon lang ako at maganda ang pakiramdam sa opensa. Pero ang key pa rin, total team effort.

Yung contributions ng teammates ko ang nagpapadali sa trabaho ko," wika ni Meneses.

ALL-FILIPINO CUP

ERIC MENK

GINEBRA

MAJOR PAIN

MENESES

MENK

SAN MIGUEL

SINA MENESES

TALK N TEXT

VERGEL MENESES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with