Shineway pinigil ng Jewelers; Spring Cooking Oil tumatag

OZAMIZ City – Pinigil ng Lhuillier Jewelers ang six game winning run ng Shineway Ham Sausage, habang pinalakas ng Spring Cooking Oil ang kanilang kampanya nang daigin ang Forward Taguig sa pagpapatuloy ng eliminations ng Visayas-Mindanao leg ng National Basketball League sa Gov. Angel Medina Memorial gym dito.

Nagtulong-tulong sina Danny Aying, Arnold Rodriguez at Ramil Ferma nang biguin ng Jewelers ang Shineway, 109-88 habang sumandal naman ang Nathaniel ‘Tac’ Padilla’s Cooking Oil Masters kina Rolly Menor, Rodel Manuel, Edwin Pimentel at Tyrone Bautista para igupo ang Taguig 83-76.

Lilipat ang aksiyon ngayon sa Cebu City kung saan maghaharap ang Wang at Taguig sa alas-4 ng hapon habang makakalaban naman ng Spring ang Shineway sa alas-5:30 ng hapon at makikipagtipan ang Lhuillier sa Pampanga sa alas-7 ng gabi.

Show comments