PBL may libreng basketball clinics

"The Beginnings" ang siyang magiging pangunahing tema ng unang araw ng 20th PBL year three-day launching extravaganza sa Marso 18 sa Atrium ng SM Mega Mall Bldg. A.

Naka-sentro sa nasabing tema ang pagpapalit ng PBL sa Artrium patungo sa PBL playground at idaraos ang mga libreng clinic sa basketball basics kung saan ang mga kabataang may edad 14 ay magkakaroon ng tsansa na makasama ang kani-kanilang paboritong PBL players habang nag-aaral ng ABC’s of basketball.

Maaaring magpatala ng direkta ang mga imbitadong kabataan mula sa iba’t ibang paaralan at iba pang kabataan, pero may pag-asang sumikat sa mahuhusay na basketball enthusiasts sa PBL booth simula sa alas-10 ng umaga.

Highlight sa nasabing event ang pagpapalabas ng PBL ng mga video premiere ng "PBL: 20 Years and Beyond" sa alas-11:30 a.m.--isang documentary mula sa 20-taong pag-dribol, shooting at tanghaling kampeon habang patuloy ang tagumpay ng liga sa basketball development programs.

Show comments