Dahil maganda siya, may mga players din na nababaliw sa kanya.
Maraming misis ng mga players ang ingat na ingat sa kanya.
Balitang-balita na kunwari eh basketball fan lang siya.
Pero ang tutoo, hilig niya ay mga basketball players.
Ilang players na nga ba ang kanyang naka-relasyon, yung ibay lingid sa kaalaman ng kanilang mga misis?
Di na po mabilang.
Pagkatapos niyang makuha, tatawag siya sa bahay o sa cell phone at sasabihin niyang isa siyang reporter o writer ng isang magazine.
"Puwede ka bang ma-interview para sa (pangalan ng magazine)," yan ang madalas niyang linya kapag tumatawag na siya.
At kapag may appointment na siya, magugulat na lang si player dahil kapag nakita niya si writer maganda pala ito at sexy.
Madalas, hindi interbyuhan ang nangyayari.
Alam nyo na kung ano...
Madalas, hindi makatanggi si player sa palay na lumalapit sa manok...
Ano pa nga bat tutuka at tutuka si manok...
Matapos siyang mawala sa kanyang MBA team, at hindi naman siya nakarating sa PBA, malaki ang problema niya ngayon sa pera.
Me mga gamit siyang nakuha thru financing at ngayon eh inabot na rin siya ng financial crisis dahil wala naman siyang suweldo.
Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya sa kanyang ari-arian na bago at any moment eh ilitin na ng bangko.
Me nakahandang sumaklolo sa kanya.
Pero dahil born again siya, pinipigil niya ang kanyang sarili.
Hanggang sa ngayon, gumagawa pa rin siya ng paraan.
Humingi na rin siya ng tulong sa kanyang mga magulang na ewan kung ano ang maitutulong sa kanya.
Samantala, naghihintay lang sa isang tabi ang dakilang mayamang bading.