Bawal na daw ang naka-short, naka-sando at naka-tsinelas. Hindi sila makakapasok sa loob ng venue kapag ganito ang kanilang attire.
Kung naka-sandals ka naman, kailangang naka-medyas ka para ka papasukin sa loob ng venue at mag-cover ng games.
Well, good!
At least mukhang disente ang lahat ng magkokober ng games. Di tulad ng dati na yung iba ay parang galing giyera. At least siguro ngayon mukhang mga bagong ligo at mukhang kagalang-galang ang mga sportswriters ngayon sa PBA.
Anong sey nyo Willy Marcial at Dave Corros?
Sabi ko pa naman sa kanyang agent-manager na si Charlie Dy baka naman gusto niyang ipa-clean-cut ang kanyang alaga dahil nga ang sura ng hitsura.
Eh yun naman palay di puwede dahil nga dito kay Blessed Pedro Calungsod kung saan next in-line para maging ikalawang santo ng Pilipinas kasunod ni San Lorenzo Ruiz.
At ito rin ang dahilan kung bagong "The Saint" ang monicker ni Tubid.
Yun nga lang mukhang hindi santo kasi nga maduming tingnan.
Kasi, hindi ko naman knowing na malapit rin pala sa puso ni Sen. Legarda ang sports at ang mga atleta.
Kaya nang sinabi nitong ipaglalaban niya na huwag bawasan ang budget ng PSC, naisip ko na malapit din pala sa puso ng senadora ang sports.
Kasi nga naman, kung mababawasan ang budget ng PSC, higit na magsa-suffer ang mga atleta.
Eh biruin nyo naman ang laki naman kasi ng kanilang ibabawas kung sakali. Noong nakaraang taon P105 million ang naapruban pero ngayon ay ibinababa nila ito sa P75,000 million. Ang laking diperensiya di ba?
Eh kung tutuusin sa sports na lang bumabawi ang bansa.
Sa dami ng problema at hindi magandang imahe ng bansa dahil sa mga Abu Sayaf, MILF at iba pang terorismo, kahit papaano may nakakapagbigay pa rin ng karangalan sa mga atleta.
Kaya dapat lamang na may magtanggol para sa sports, kaya sana dumami ang kalahi ni Sen. Legarda para naman maiahon ng husto ang kalidad ng sports sa bansa.