84 cyclist hahatiin sa 12 teams
March 7, 2003 | 12:00am
Maraming talentong nakatago, at naghihintay lamang na matuklasan.
At sa linya ang paghahanap ay magsisimula na sa drafting ng 84 siklista at 12 pang alternates para sa Tour Pilipinas 2003 na ipi-prisinta sa Lunes.
"We said from the start that our goal is to breathe life to cycling and help bring the Filipino cyclist to world-class standards," pahayag ni Bert Lina, Tour Pilipinas chairman. "And we feel the best way to do that is to use all our resources and our efforts in the Tours revival to find that unpolished gem."
Ang mga siklista ay hahatiin sa 12 koponan sa drafting na gaganapin sa Manila Hotel para sa P1 million 18 day, 15 stage cycling marathon na nakatakda sa halos kabuuan ng Luzon mula Abril 24 hanggang Mayo 11.
Ngunit ang nakakalungkot, ang 12 miyembro ng National team na nakalusot sa mga qualifying races ay hindi makakasama sa pagbabablik ng karera sa kalsada makaraang mahinto ng apat na taon. Ito ay dahil sa girian na nangyayari sa pagitan ng cycling association.
Ang karera ay magsisimula sa Bicol at tutungo sa norte sa may Laoag City bago aakyat sa Bagiuo City at muling bababa sa Manila.
Ang 84 na nakapasang siklista ay tatanggap ng buwanang allowance bukod pa sa libreng bitamina para sa kanilang pagsasanay at paghahanda sa Tour. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended