^

PSN Palaro

Sports sa kinabukasan

GAME NA! - Bill Velasco -
Tatlo ang karaniwang naghahari sa sports tuwing tag-init. Ito ay ang cycling, beach volleyball, at basketbol na tatluhan. Naghahanap ngayon ang mga advertisers ng masasakyang bagong uso na puwede nilang tatakan ng kanilang mga produkto.

Marahil ang pinakamalapit na sumunod sa pagkauso at pinsan ng beach volleyball ay ang beach football.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang Beach Football Association of the Philippines sa mga nag-oorganisa ng mga beach volleyball tournaments, para magamit na rin nila ang nilalatag na buhangin sa mga mall o ibang lugar. At sino ba naman ang ayaw na mapalapit sa mga naggagandahang mga atletang nakasuot lamang ng panlangoy?

Naririyan din ang flag football, na napapanood na sa telebisyon paminsan-minsan. Marami na rin ang nakakasunod sa National Football league sa cable TV. Ang pagkakaiba lang naman ay sa halip na pabagsakin ang may dala ng bola, hahablutin lang ang maliit na banderang nakasukbit sa baywang nito. Mabilis na larong may dagdag na kagandahan dahil halo-halong naglalaro ang mga lalaki't babae.

Baseball. Ang hari ng dekada ng 1930's ay nanunumbalik. May torneong binubuo ang grupong tinaguriang Titans, upang ipagpatuloy ang kanilang kasiyahan nang sila ay nasa paaralan pa. May mga kababaihan na ring sumasali, kabilang ang ilang national players.

Indoor soccer. Mas kilala sa bansag na futsal (futbol de sala) sa Europa, nakakapanibagong panoorin, pero mas mabilis sa ordinaryong football. Mas maliit ang palaruan, na matataas ang iskor, at mas mabilis ang aksyon. May utos na ang isang multinational na sportswear manufacturer na palaganapin ang futsal dito sa Pilipinas.

Ngayong bahagi na ng PE sa maraming paaralan ang ice skating, di magtatagal at mahuhumaling ang mga kabataan dito. Kapag nalaman nilang ang isang Pinoy na teenager tulad ni Michael Novales ay pinag-agawan ng Amerika't Canada dahil sa kanyang husay sa larong ito, di kaya sila sumali? Wala pang bansa sa southeast Asian na tumatalo sa atin sa larangang ito.

Kayo, ano sa palagay ninyo ang mauuso dito sa atin?

Sumulat sa [email protected].

AMERIKA

BEACH FOOTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

KAPAG

KASALUKUYANG

MABILIS

MARAHIL

MICHAEL NOVALES

NATIONAL FOOTBALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with