Okay ang bagong acquisitions ng Fedex
March 3, 2003 | 12:00am
KINAPOS lang ang FedEx kontra sa Batang Red Bull noong Biyernes at natalo, 79-71. Pero overall, maganda na rin ang naging performance ng Express lalot iisiping lima ang kanilang bagong manlalaro at natural lang na mangapa sila kontra sa isang koponang halos intact ang line-up.
Kung pagtutuunan ng pansin ang limang bagong manlalarong nakuha ng Express, makikitang nakapag-ambag sila kahit paano. Tanging si Omanzie Rodriguez ang hindi naka-iskor sa kanila subalit nakakuha naman ito ng pitong rebounds at nakagawa ng isang supalpal.
Si Rodriguez ay isa sa tatlong players na ipinamigay ng Sta. Lucia Realty sa FedEx nang walang kapalit. Ang ibay sina Marvin Ortiguerra at Gherome Ejercito. Gaya ni Rodriguez, si Ortiguerra ay kumuha din ng pitong rebounds at nagdagdag pa ng apat na puntos. Si Ejercito naman ay nakakuha ng limang rebounds bukod sa dalawang puntos at isang assists. So, kung rebounding ang pag-uusapan, bale 19 ang naitala ng tatlong ex-Realtors.
Heto pa ang siste. Si Roger Yap, na nakuha rin ng Express buhat naman sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs nang walang kapalit, ay kumuha din ng walong rebounds bukod pa sa anim na puntos, isang assist isang steal at isang blocked shot.
Si John Ferriols, na naging available pa sa second round ng nakaraang Draft, ay kumuha din ng walong rebounds bukod sa 13 puntos, tatlong steals at isang blocked shot.
Wala nang hahanapin pa si coach Derick Pumaren sa kanyang mga baguhang manlalaro. "Ika nga, tama lang ang pagkakakuha niya sa mga ito at tiyak na pakikinabangan niya ang bagong acquisitions sa kabuuan ng season."
Puwes, anong naging diperensiya?
Hindi naging maganda ang performance ng kanilang main man na si Vergel Meneses na nagtala lang ng tatlong puntos, dalawang rebounds at tatlong assists. Nangapa rin ang kanilang pambatong shooter na si Renren Ritualo na nagtapos naman nang may limang puntos at dalawang rebounds. At si Yancy de Ocampo, na siyang top pick ng Draft noong isang taon at kumamada lang ng pitong puntos at dalawang rebounds. Itoy sa kabila ng pangyayaring siya ang pinakamatangkad na manlalaro sa koponan.
Maraming nagsasabing sina de Ocampo at Ritualo ang future ng FedEx. Puwes, si Ritualo ay minsan-minsan lang nakaka-experience ng off night. Subalit si de Ocmapo ay kailangang magsipag. Wala namang off night sa depensa kung pagtutuunan niya ito nang pansin. May potential siya upang sundan ang yapak ni Danilo Ildefonso kung magsisipag siya.
Mabuti na nga lang at nasa FedEx pa ang beteranong si Jerry Codiñera na nag-animoy rookie noong Biyernes nang magtapos siya nang may team high 18 puntos bukod sa walong rebounds, isang steal at isang supalpal. Kahit paanoy may gigiya pa kay de Ocampo. Pero hanggang kailan gagabayan ni Codiñera ang kanilang batang sentro?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended