Bakbakan sa IRAA simula na

MANAOAG, Pangasinan – Simula na ang bakbakan ngayon sa Ilocos Region Athletic Association (IRAA) na may 16 golds ang nakataya sa track and field sa Manaoag National High School Athletic ground dito.

Ang Ilocos Norte, ang nagtatanggol ng overall korona ay may pangalawang pinakamalaking delegasyon na may 400 atleta, sumunod lang sa host na Pangasinan na may mahigit 500 atleta, ay nagbabadya na wala silang balak na ipaagaw ang kanilang korona.

Walong munisipalidad at lungsod ang maglalaban laban para sa karangalang pangkalahatan na binubuo ng 17 sports event.

Ang mga kalahok ay ang Ilocos Norte, Laoag City, Ilocos Sur, Dagupan City, San Carlos City, La Union, Urdaneta at ang host Pangasinan.

Samantalang ang mga sports event na paglalabanan ay ang mga sumusunod archery, athletic, badminton, baseball, boxing, chess, football, gymnastics, lawn tennis, sepak takraw, sipa, softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball at basketball.

Nakopo ng Ilocos Norte ang nakaraang IRAA nang manalo sila ng 24 golds sa athletics, 15 sa gymnastics, 1 sa table tennis, 1 sa little league, 2 sa taekwondo isa sa softball, dalawa sa archery, 1 sa sepak takraw, isa sa sipa at 14 sa swimming.

Show comments