Pabahay sa mga atleta handog ng NHA
February 28, 2003 | 12:00am
Magkakaroon na ng disenteng tirahan ang mga Pilipinong manlalaro sa bansa.
Ito ay makaraang ihayag ni National Housing Authority (NHA) General Manager Edgardo Pamintuan ang paglalaan ng pamahalaan ng housing program para sa Filipino athletes sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Lumagda ng isang kasunduan ang NHA sa pagitan ng PSC, Dept. of Enviroment and Natural Resources (DENR) at Association for the Socioeconomic Advancement of Pinoys Inc., (ASAP) para sa housing development sa Pampanga na ilalaan para sa nabanggit na atleta.
Sa ilalim ng kontrata, ang NHA ay magtatayo ng housing units na tatawaging Athletes quarter para tulungan ang mga atleta sa mga lalawigan na mabigyan ng disenteng pamumuhay.
Ayon kay NHA Region 3 manager Romuel Alimbuyao, ang naturang tanggapan ay nagkaisa din na magbigay ng technical expertise, financial support at logistical requirements para sa tagumpay ng naturang proyekto. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest