Iginupo ni Hewitt si Jim Rempe, 10-6 sa kanilang championship match sa winners side upang isuk-bit ang $20,000 top prize ng $139,000 event na ito.
Matapos mabigo sa kanyang unang laban sa winners side, siyam na sunod na matches ang ipinanalo ni Hewitt upang isaayos ang finals encounter laban kay Busta-mante sa one-loss side.
Isang sorpresang 10-5 panalo ang naitala ni Hewitt laban kay Busta-mante na kumulekta naman ng pitong sunod na panalo sa one-loss side matapos masibak ng kababayang si Warren Kiamco sa third round ng winners side.
Pinaghirapan naman ni Hewitt ang sumunod na tagumpay laban kay Ronnie Alcano, 10-9 upang maghari sa one-loss bracket.
Ito ang nagtakda ng kanyang laban kontra kay Jim Rempe na nagpa-bagsak kay Alcano sa 10-6 panalo sa finals ng winners side.
Nasayang lamang ang panalo ni Busta-mante kina Claude Ber-natchez, 10-5; Ian Cos-tello, 10-5; Mike Davis, 10-3; Fabio Petroni, 10-6, Johnny Archer, 10-5; kababayang si Efren Bata Reyes,10-6 at Earl Strick-land, 10-3 matapos yumukod kay Hewitt.
Tinalo naman ni He-witt sa one-loss side sina Timmy Hall, Carmen Lombardo, Luc Salvas, Jason Krisle, Warren Kiamco, James Conn at Dee Adkins bago nito hinarap ang Fil-Canadian na si Alex Pagulayan na kanyang dinispatsa sa 10-9 panalo bago nito sinundan ng 10-9 pama-mayani kay Rafael Mar-tinez.
Si Hewitt ay kagaga-ling lamang sa second place finish sa Joss NE 9-Ball Tour stop sa Cap's Cue Club sa Syracuse, New York noong naka-raang linggo kung saan natalo ito sa kanyang unang match sa torneo at nakabangon din sa losers bracket bago yumukod kay Pagulayan sa finals. (Ulat ni Carmela Ochoa)