^

PSN Palaro

Ikaanim na sunod na panalo asam ng TnT National Pool-A

-
Ikaanim na sunod na panalo ang sisikaping maipinta ng Talk ‘N Text National Pool A sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra Sta. Lucia-CUSA sa Bert Lina Six-Feet-and Above Junior Cup best-of-3 showdown sa Lyceum gym ngayon.

Sa labang ito, umaasa ang tropa ni coach Johnny Tam na magagawa nilang masungkit ang inaasam na panalo na siyang maglalapit sa Phone Pals sa titulo bunga ng kanilang mas mataas na morale kung saan ang kanilang mga nakakalaban ay kanilang tinatalo ng hindi bababa sa 28 puntos na bentahe.

Pero hindi minamaliit ng Phone Pals ang kapasidad ng Junior Realtors.

Gaya ng dapat asahan, muling sasandigan ng Phone Pals ang mga balikat nina Jonathan Fernandez, Michael Galinato at Edwin Asoro na siyang gumiba sa Shell-UCAA sa semifinals, 103-82 upang makapasok sa championships round.

Nauna rito, maghaharap ang Shell-UCAA at ang Red Bull National Pool B sa alas-3 para sa ikatlong puwesto.

vuukle comment

BERT LINA SIX-FEET-AND ABOVE JUNIOR CUP

EDWIN ASORO

GAYA

JOHNNY TAM

JONATHAN FERNANDEZ

JUNIOR REALTORS

MICHAEL GALINATO

N TEXT NATIONAL POOL A

PHONE PALS

RED BULL NATIONAL POOL B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with